Git 🌙
Chapters ▾ 2nd Edition

A3.7 Appendix C: Mga Kautusan ng Git - Debugging

Debugging

Ang Git ay may iilang mga utos na ginamit para makatulong sa pag-debug sa isyu sa iyong code. Ang lawak nito ay nagsimula sa pag-uunawa kung saan ipinakilala ang isang bagay hanggang sa pag-uunawa kung sino ang nagpakilala nito

git bisect

Ang `git bisect`na kagamitan ay isang hindi kapani-paniwalang na kapaki-pakinabang na debugging kasangkapan na ginamit upang hanapin kung anong partikular na commit ang unang nagpakilala ng isang bug o problema sa pamamagitan ng paggawa ng isang awtomatikong paghahanap sa binary.

Ito ay buong tinalakay sa Paghahanap ng Binary at nabanggit lamang sa seksyon na iyon.

git blame

Ang git blame na utos ay nag-annotate ng mga linya sa anumang file kung saan ang commit ay siyang huling nagpakilala sa pagbabago sa bawat linya ng file at kung sino ang may-akda sa commit.

Ito ay kapaki-pakinabang upang mahanap ang tao na pwedeng hingan ng karagdagang impormasyon tungkol sa isang partikular na seksyon ng iyong code.

Ito ay tinalakay sa Ang Annotation ng File at binanggit lamang sa seksyon na iyon.

git grep

Ang git grep na utos ay makakatulong sa iyo na makahanap ng anumang string o regular na pagpapahayag sa alinmang mga file sa iyong source code, kahit sa mas lumang mga bersyon ng iyong proyekto.

Ito ay tinalakay sa Git Grep at binanggit lamang sa seksyon na iyon.

scroll-to-top