Git 🌙
Chapters ▾ 2nd Edition

A3.2 Appendix C: Mga Kautusan ng Git - Pagkuha at Paglikha ng Mga Proyekto

Pagkuha at Paglikha ng Mga Proyekto

Mayroong dalawang mga paraan upang makakuha ng repositoryong Git. Ang isa ay kopyahin ito mula sa isang umiiral na repositoryo sa network o sa ibang lugar at ang pangalawa ay upang lumikha ng isang bagong umiiral na direktoryo.

git init

Para kumuha ng isang direktoryo at maging bagong repositoryong Git sa gayon maaari mong simulan ang bersyon sa pagkontrol nito, maaari mo lamang patakbuhin ang git init.

Una naming ipakilala ito sa Pagkuha ng Repositoryo ng Git, kung saan ipinapakita namin ang paglikha ng isang bagong repositoryo para masimulan mong pagtrabahoan.

Natalakay namin ng maikli tungkol sa kung paano mo palitan ang default na branch mula sa “master” sa << _remote_branches>>.

Ginagamit namin ang command na ito upang lumikha ng repositoryo na walang laman para sa isang server sa Paglalagay ng Payak na Repositoryo sa isang Server.

Sa katapusan, dumako tayo sa ilang mga detalye na kung ano talaga ang ginagawa nito sa likod ng mga eksena sa Plumbing and Porcelain.

git clone

Ang git clone na kautusan ay isang bagay na nakabalot sa paligid ng maraming iba pang mga kautusan. Ito ay nakakalikha ng bagong direktoryo, ito ay papasok sa loob at pinatatakbo ng git init upang gawing walang lamang repositoryong Git, magdagdag ng remote (git remote add) sa URL na ipinasa mo nito (bilang default na pinangalanang origin), pinatatakbo ang git fetch mula riyan sa remote na repositoryo at pagkatapos i-checkout ang pinakabagong ginawa sa iyong gumaganang direktoryo sa pamamagitan ng git checkout.

Ang git clone na kautusan ay ginamit sa dose-dosenang mga dako sa buong libro, ngunit maglilista lang kami ng ilang mga interesanteng mga dako.

Ito ay karaniwang ipinakilala at ipinaliwanag sa Gumawa ng Kopya sa isang Umiiral na Repositoryo, kung saan nagbigay kami ng ilang mga halimbawa.

Sa Pagkuha ng Git sa isang Server tinitingnan natin sa pamamagitan ng --bare na opsyon upang lumikha ng isang kopya ng repositoryong Git na walang gumaganang direktoryo.

Sa Pagbibigkis ginagamit namin ito upang hindi bigkisin isang nakabigkis na repositoryong Git.

Sa katapusan, sa Pagkokopya ng isang Proyekto na may mga Submodule natutunan natin ang --recurse-submodules na opsyon upang gumawa ng pag-kopya ng isang repositoryo kasama ang submodules na bahagyang pinasimple.

Kahit na ito ay ginagamit sa iba pang mga dako ng libro, isa ito sa mga medyo natatangi o kung saan ito ay ginagamit sa bahagyang naiibang mga paraan.

scroll-to-top