Git 🌙
Chapters ▾ 2nd Edition

1.4 Pagsisimula - Ang Command Line

Ang Command Line

Mayroong napakaraming iba’t ibang pamamaraan para magamit ang Git. Mayroong orihinal na command-line na mga kagamitan, at mayroong maraming mga graphical user interfaces na may iba’t ibang kakayahan. Para sa aklat na ito, gagamit tayo ng Git na command line. Una, ang command line ay ang tanging lugar lang kung saan mapapatakbo mo ang lahat ng mga Git commands - karamihan sa mga GUI ay nagsasagawa lang ng iilan sa mga Git na functionality para gawin itong simple. Kung alam mo kung paano patakbuhin ang command-line na bersyon, maaari mong malaman kung paano patakbuhin ang GUI na bersyon, habang ang kabaligtaran ay maaaring hindi tototo. Gayundin, kahit na ang grapikal na kliyente ay ayon sa iyong personal na kagustuhan, lahat ng mga gumagamit ay mayroong naka-install at magagamit na command line na mga kagamitan.

Kaya aaasa tayo na malalaman mo kung paano magbukas ng Terminal sa Mac o Command Prompt o Powershell sa Windows. Kung hindi mo alam kung ano ang pinag-uusapan namin dito, maaring kailangan mong huminto at manaliksik sa mga ito nang madalian para makasunod ka sa lahat ng mga halimbawa at mga paglalarawan sa aklat na ito.

scroll-to-top