Git 🌙
Chapters ▾ 2nd Edition

A3.10 Appendix C: Mga Kautusan ng Git - External Systems

External Systems

Ang Git ay may ilang mga utos upang maisama ang iba pang mga sistema ng pagkontrol sa bersyon.

git svn

Ang git svn na utos ay ginagamit upang makipag-ugnayan sa sistema ng pagkontrol sa bersyon ng Subversion bilang isang kliyente. Ang ibig sabihin nito ay maaari mong gamitin ang Git upang mag-check out mula at mag-commit patungo sa isang server ng Subversion.

Ang utos na ito ay malalim na tinalakay sa Git at Subversion.

git fast-import

Para sa ibang sistema sa pagkontrol ng bersyon o pag-import mula sa halos anumang format, pwede mong gamitin ang git fast-import para mabilis na imapa ang iba pang mga format sa Git na maaaring madaling irekord.

Ang utos na ito ay tinalakay ng malalim sa Isang Pasadyang Importer.

scroll-to-top