Git 🌙
Chapters ▾ 2nd Edition

1.7 Pagsisimula - Pagkuha ng Tulong

Pagkuha ng Tulong

Kung kakailanganin mo ng tulong habang gumagamit ng Git, mayroong dalawang magkaparehong pamamaraan para makakuha ka ng komprehensibong manual na pahina (manpage) na tulong para sa kahit anong mga command sa Git:

$ git help <verb>
$ man git-<verb>

Halimbawa, maaari kang kumuha ng manpage na tulong para sa git config na command sa pamamagitan ng pagpapatakbo ng

$ git help config

Ang mga utos na ito ay maganda dahil maaari mo itong magamit kahit saan, kahit na offline. Kung ang mga manpages at ang aklat na ito ay hindi sapat at nangangailangan ka ng personal na tulong, maaaring mong subukan ang #git o #github na channel sa Freenode IRC server (irc.freenode.net). Ang mga channel na ito ay palaging napupuno ng daan-daang mga tao na may napakaraming nalalaman tungkol sa Git at kadalasan sila ay gustong makatulong.

Bukod pa dito, kung hindi mo kailangan ang buong manpage na tulong, at nangangailangan ka lang ng madaliang refresher sa mga magagamit na mga opsyon para sa isang Git na command, maaari kang maghingi ng mas pinaikling “tulong” na output gamit ang -h o --help na mga opsyon, gaya ng:

$ git add -h
usage: git add [<options>] [--] <pathspec>...

    -n, --dry-run         dry run
    -v, --verbose         be verbose

    -i, --interactive     interactive picking
    -p, --patch           select hunks interactively
    -e, --edit            edit current diff and apply
    -f, --force           allow adding otherwise ignored files
    -u, --update          update tracked files
    -N, --intent-to-add   record only the fact that the path will be added later
    -A, --all             add changes from all tracked and untracked files
    --ignore-removal      ignore paths removed in the working tree (same as --no-all)
    --refresh             don't add, only refresh the index
    --ignore-errors       just skip files which cannot be added because of errors
    --ignore-missing      check if - even missing - files are ignored in dry run
    --chmod <(+/-)x>      override the executable bit of the listed files
scroll-to-top